Giya para sa pagboto ng mga proposisyon sa San Francisco para sa parating na Halalan
November 2, 2022
Mayroong 14 na Proposition sa balota para sa lungsod ng San Francisco ngayong parating na halalan. Ang mga isyu na haharapin ng mga proposition ay nagmumula sa abot-kayang tirahan, antas ng mga buwis, mga isyung kagawaran at iba pa.
Itong ang mga dapat alamin bago bumoto ngayong Halalan 2022.
Proposition A: Retiree Supplemental Cost of Living Adjustment; Retirement Board Contract with Executive Director
Kung pumasa, ang Proposition A ay magbibigay ng pandagdag na pagsasaayos ng gastos sa pamumuhay sa pensyon ng mga nagretiro bago mag Nov. 6, 1996. Ito ay kahit man hindi puno ang pondo ng San Francisco Employees’ Retirement System.
Sa kasalukuyan, ang sistema ng pagreretiro ay mamamahayag sa mga empleyado at nagretiro ng San Francisco ng benepisyo ng pensyon. Noong Halalan 1996, pinayagan ang pandagdag na pagsasaayos ng gastos sa pamumuhay sa pensyon ng mga nagretiro. Gayunman, ang sistema ng pagreretiro ay dapat maging kumpleto sa pondo para makuha ang pinayagan na pandagdag na benepisyo.
Itinuturing na ganap na pinondohan ang sistema ng pagreretiro kapag naabot nito ang inaasahang rate ng pagbabalik at may kakayahang magbayad para sa mga pensyon ng mga empleyado at retirees ng lungsod.
Maraming taon nang hindi sapat ang pondo ng sistema, ang Proposition A ay magbibigay ng pandagdag na pagsasaayos ng gastos sa pamumuhay sa mga nagretiro na mayroong taunang pensyon na lumalagpas ng $50,000.
Karagdagan, ang Proposition A ay sabay din papayagan ang Lupon ng Pagreretiro na bigyan ang kanilang punong tagapamahala, na kinuha pagkatapos ng Enero 1, 2023, ng indibidwal na kontrata sa pagtatrabaho.
Sa kasalukuyan, ang Lupon ng Pagreretiro ay namamahala sa pagsubaybay ng sistema ng pagreretiro at sila rin ang tumutukoy kung sino ang kanilang punong tagapamahala. Ang punong tagapamahala ay hindi pwede bigyan ng indibidwal na kontrata sa pagtatrabaho at dapat sumunod sa ibang patakaran at termino ng pagtatrabaho. Dahil dito, limitado ang pwedeng sahod at benepisyo ng punong tagapamahala.
Opisyal na Tagasuporta: Supervisor Ahsha Safaí; Board President and Supervisor Shamann Walton; Supervisor Connie Chan; Supervisor Matt Dorsey; Supervisor Myrna Melgar; Supervisor Rafael Mandelman; Supervisor Aaron Peskin; Supervisor Dean Preston; Supervisor Hillary Ronen; Supervisor Catherine Stefani.
Opisyal na Kalaban: Walang opisyal na kalaban ang Proposition A.
Proposition B: Public Works Department and Commission, Sanitation and Streets Department and Commission
Kung pumasa, ang Proposition B ay magtatangal ng Department of Sanitation and Streets, ibabalik nito ang pagiisang Department of Public Works. Kasama dito ang pagbabalik ng mga pananagutan ng Department of Sanitation and Streets sa Department of Public Works.
Yung 2020 Proposition B ay inaprubahan ng mga botante noong Halalan 2020. Ang proposition na iyon ay hiniwalay ang Department of Public Works sa dalawang department – ang Department of Public Works at ang Department of Sanitation and Streets.
Ang pangunahing responsibilidad ng Department of Public Works ay ang pamamahala sa pisikal na imprastraktura ng San Francisco, kasama dito ay ang pagtayo ng mga gusali, bangketa, at kalsada ng lungsod. Ang Department of Sanitation and Streets ay namamahala sa paglinis ng lungsod. Kasama dito ay ang pagpapanatili ng kalinisan ng mga kalsada, bangketa, pampublikong palikuran, at kalikasan ng lungsod.
Opisyal na Tagasuporta: Mayor London Breed; City Administrator Carmen Chu; Supervisor Connie Chan; Supervisor Catherine Stefani; Supervisor Aaron Peskin; Supervisor Dean Preston; Supervisor Matt Dorsey; Supervisor Rafael Mandelman; Supervisor Hillary Ronen; Former Supervisor Norman Yee; San Francisco Democratic Party
Opisyal na Kalaban: Assemblymember Matt Haney; Laborers Local 261
Proposition C: Homelessness Oversight Commission.
Kung pumasa, ang Proposition C ay gagawa ng Homelessness Oversight Commission, na binubuo ng pitong hinirang na kasapi. Ang alkalde ay hihirang ng apat na kasapi, habang ang Board of Supervisors ay hihirang ng natitirang tatlo.
Kasama sa mga kwalipikasyon:
- Isang hinirang galing sa magkabilang panig na nakaranas ng kawalan ng tirahan.
- Isang hinirang galing sa magkabilang panig na nakapagbigay ng serbisyo o itinaguyod ang mga nakaranas ng kawalan ng matitirahan.
- Isa sa mga hinirang ng alkalde ay dapat mayroong karanasan sa kalusugang pangkaisipan o pagtrato ng pag-aabuso sa droga.
- Isa sa mga hinirang ng alkalde ay dapat mayroong karanasan sa pagbabadyet, pagpopondo, at pagsusuri.
- Isa sa mga hinirang ng alkalde ay dapat mayroong karanasan sa pagtatrabaho kasama ang mga nawalan ng tirahan.
- Isa sa mga hinirang ng alkalde ay dapat nakalahok sa samahan ng negosyante, samahan ng mga maliit na negosyo, o samahan ng barangay.
Ang komisyon ay mamahala sa Department of Homelessness and Supportive Housing, na itinayo noong 2016. Yung departamento ay namamahala sa lahat ng responsibilidad na kaugnay sa kawalan ng tirahan sa San Francisco. Kabilang sa mga responsibilidad ay pamumuno sa outreach at sa mga silungan.
Opisyal na Tagasuporta: Supervisor Ahsha Safaí; Assemblymember Matt Haney; Board President and Supervisor Shamann Walton; Supervisor Catherine Stefani; Supervisor Aaron Peskin; Supervisor Gordon Mar; Supervisor Dean Preston; Supervisor Matt Dorsey; Supervisor Myrna Melgar; Supervisor Rafael Mandelman; Supervisor Hillary Ronen.
Opisyal na Kalaban: Walang opisyal na kalaban ang Proposition C.
Proposition D: Affordable Housing – Initiative Petition
Kung pumasa, ang Proposition D ay mapapabilis ang proseso ng pagpapahintulot para sa ilang uri ng mga abot-kayang tirahan. Mararating ito sa pag-bypass ng pagpapahintulot ng piling opisyal na mga grupo ng lungsod at sa pagkawala ng pagsusuri sa kapaligiran.
Kasama dito ay:
- Mga proyekto sa pabahay na 100% abot-kaya ang mga tirahan.
- Mga proyekto sa pabahay na may hindi bababa sa 10 tirahan na nagbibigay ng 15% na mas abot-kayang mga tirahan kumpara sa pinakamababa na kinakailangan ng lungsod.
- Mga proyekto sa pabahay na may 80% abot-kayang mga tirahan para sa mga empleyado sa loob ng sistema ng kolehiyo ng lungsod o distrito ng paaralan.
Ang pagpayag ng Board of Supervisors ay hindi na kailangan para ituloy ang mga proyekto sa pabahay na itatayo sa lupain ng lungsod o gamit ang pera ng lungsod.
Sa kasalukuyan, ang mga bagong proyekto sa pabahay ay dumadaan sa iba-ibang grupo bago payagan tumuloy ang proyekto. Kasama sa mga grupo na ito ay ang Planning Commission at ang Planning Department, ang Board of Appeals, ang Historic Preservation Commission, ang Arts Commission, at ang Board of Supervisors.
Opisyal na Tagasuporta: Habitat for Humanity Greater SF
Opisyal na Kalaban: Race & Equity in All Planning Coalition; San Francisco Building Trades; San Francisco Labor Council; United Educators of San Francisco; San Francisco Democratic Party; San Francisco Tenants Union; Anti-Displacement Coalition; Council of Community Housing Organizations
Proposition E: Affordable Housing – Board of Supervisors
Kung pumasa, ang Proposition E ay mapapabilis ang proseso ng pagpapahintulot para sa ilang uri ng mga abot-kayang tirahan. Mararating ito sa pag-bypass ng pagpapahintulot ng piling opisyal na mga grupo ng lungsod.
Kasama sa mga pagbubukod ay:
- Mga proyekto sa pabahay na 100% abot-kaya para sa mga pamilya na ang taunang kinikita na abot sa 120% at ang karaniwang kita ng kabahayan ay nasa o masmababa sa 80% ng taunang kita.
- Mga proyekto sa pabahay na may hindi bababa sa 10 tirahan na mayroong pinakamababang bilang ng mga tirahang abot-kaya na meron din karagdagang 8% na tirahang abot-kaya.
- Mga proyekto sa pabahay para sa mga empleyado sa loob ng sistema ng kolehiyo ng lungsod o distrito ng paaralan.
Kailangan pa rin ang pahintulot ng Board of Supervisors para sa mga proyekto sa pabahay na itatayo sa lupain ng lungsod o pinopondohan ng lungsod.
Opisyal na Tagasuporta: Board President and Supervisor Shamann Walton; Supervisor Connie Chan; Supervisor Aaron Peskin; Supervisor Dean Preston; Supervisor Hillary Ronen; Supervisor Gordon Mar; San Francisco Building Trades; San Francisco Labor Council; United Educators of San Francisco; Unite HERE Local 2; San Francisco Democratic Party; Council of Community Housing Organizations
Opisyal na Kalaban: GrowSF; Housing Action Coalition; Nor Cal Carpenters Union; SPUR; YIMBY Action
Proposition F: Library Preservation Fund
Kung pumasa, ang Proposition F ay papayagan ang pagpapanibago ng Library Preservation Fund para sa susunod na 25 na taon, ito ay matatapos sa Junio 2048. Ang mga aklatan ay kailangang tumakbo na hindi bumababa sa 1,400 na oras kada linggo. Pwede din pigilan ng lungsod ng San Francisco ang pagdagdag sa pinakamababang pagpondo kung ang inaasahang pagkulang sa badyet ay lumagpas ng $300 milyon.
Ang Library Preservation Fund ay nakatakdang matapos sa Junio 2023. Ang mga pondo ay galing sa buwis sa ari-arian, ang lungsod at nagtatabi ng 2.5 sentimo kada $100 taon-taon para sa mga aklatan ng lungsod.
Sa kasalukuyan, ang lungsod ay kailangan magbigay ng pinakamababa na pondo para sa mga aklatan nito para mamahagi ng mga kinakailangang materyales, pasilidad, at paglilingkod para sa palagiang pagtakbo. Ang mga aklatan ay kailangan din tumakbo ng ilang oras kada linggo depende sa inaprubahan na oras. Ang dami ng oras ay nagiiba kada limang taon depende sa pampublikong pagdinig.
Ang mga aklatan ay kailangan tumatakbo ng 1,211 oras kada linggo.
Opisyal na Tagasuporta: Mayor London Breed, Board President and Supervisor Shamann Walton, Supervisor Connie Chan, Supervisor Catherine Stefani, Supervisor Aaron Peskin, Supervisor Gordon Mar, Supervisor Dean Preston, Supervisor Matt Dorsey, Supervisor Myrna Melgar, Supervisor Rafael Mandelman, Supervisor Hilary Ronen, Supervisor Ahsha Safaí.
Opisyal na Kalaban: Walang opisyal na kalaban ang Proposition F
Proposition G: Student Success Fund – Grants to the San Francisco Unified School District
Kung pumasa, ang Proposition G ay magtatayo ng Student Success Fund. Ang pera ay manggagaling sa nakatabing pondo ng lungsod.
Ang pondo ay gagamitin para sa mga gawad papunta sa Department of Children, Youth, and Their Families, sa mga paaralan sa loob ng San Francisco Unified School District, sa distrito mismo, o para itaguyod ang mga katuparan ng mga estudyante at ang kanilang panlipunan at emosyonal na kagalingan.
Magkakaroon ng tatlong uri ng gawad na popondohan, kasama dito ang Student Success Grants, Technical Assistance Grants at District Innovation Grants.
Upang makakuha ng gawad, ang mga paaralan ay dapat makaabot sa tatlong patakaran. Ang unang patakaran ay ang pangingilangan ng konseho sa paaralan na kasama ang mga magulang, estudyante, miyembro ng komunidad, at tauhan ng paaralan. Ang pangalawang patakaran ay magkaroon ng full-time na
coordinator ng paaralang pangkomunidad. Ang pangatlong patakaran ay ang makipag-ugnayan kasama ng lungsod at distrito para masiguro ang mga serbisyo ng paaralan sa mga estudyante.
Sa kasalukuyan, ang lungsod ay mayroong Public Education Enrichment Fund. Isang-katlo ng pondo ay pumumunta sa sining, musika, palakasan, at mga aklatan. Ang susunod na isang-katlo ay pumupunta sa mga programang preschool, at ang huling isang-katlo ay pumupunta sa pangkalahatang edukasyon.
Opisyal na Tagasuporta: Supervisor Hillary Ronen; Supervisor Myrna Melgar; School Board President Jenny Lam; San Francisco Democratic Party; United Educators of San Francisco; National Union of Healthcare Workers; San Francisco Beacon Initiative; Coleman Advocates for Children and Youth; Faith in Action Bay Area.
Opisyal na Kalaban: Walang opisyal na kalaban ang Proposition G.
Proposition H: City Elections in Even-Numbered Years
Kung pumasa, ang Proposition H ay gaganapin ang halalan para sa alkalde, sheriff, abugado ng distrito, abugado ng lungsod, at ingat-yaman sa mga taong even-numbered. Ang susunod na halalan ay magaganap sa Nobyembre 2024 imbes na sa susunod na Nobyembre at bibigyan ang mga nakaupong opisyal ng isa pang taon para maglingkod. Ang mga susunod na panunungkulan ay tutuloy ng apat na taon.
Ang pangkalahatang halalan sa munisipyo ay nagaganap kada apat na taon, dahil dito ang halalan ay nahuhulog sa mga odd-number na taon. Ginanap ang huling halalan sa munisipyo noong Nobyembre 2019 at ang susunod na regular na naka-iskedyul ay sa Nobyembre 2023.
Ang Proposition H ay ibababa rin ang pinakamababang bilang ng mga lagda para sa mga inisyatiba petisyon at deklarasyon ng palakad galing sa 5% ng mga halal noong huling halalan ng alkalde sa 2% ng bilang ng rehistradong botante sa San Francisco.
Opisyal na Tagasuporta: California Common Cause; League of Women Voters of San Francisco; San Francisco Democratic Party; Asian Americans Advancing Justice-Asian Law Caucus; Sierra Club.
Opisyal na Kalaban: Political Commentator Richie Greenberg.
Proposition I: Vehicles on JFK Drive in Golden Gate Park and the Great Highway
Kung pumasa, ang Proposition I ay pahihintulutan ang daloy ng trapiko sa magkabilang direksyon ng Great Highway sa lahat ng oras. Ang trapiko ay pahihintulutan din sa John F. Kennedy Drive at ang kanyang karatig lansangan sa loob ng Golden Gate Park sa lahat ng oras, maliban sa Sabado at Linggo sa pagitan ng Abril at Setyembre simula sa 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi at sa mga araw ng pista.
Sa kasalukuyan, ang mga lugar na ito ay ginagamit lamang para sa mga layuning libangan at ay nakasarado sa daloy ng trapiko maliban sa mga ilang sasakyan kagaya ng sasakyang pang-emergency at mga opisyal na sasakyan ng pamahalaan at ang mga tinutukoy na araw.
Opisyal na Tagasuporta: Disability Rights Advocate Howard Chabner; Retired San Francisco Police Commander Richard Corriea; San Francisco Labor Council; Coalition for San Francisco Neighborhoods; Anni Chung; Frank Noto; Fiona Ma.
Opisyal na Kalaban: Supervisor Matt Dorsey; Supervisor Gordon Mar; Supervisor Myrna Melgar; Supervisor Dean Preston; Supervisor Hillary Ronen.
Proposition J: Recreational Use of JFK Drive in Golden Gate Park
Kung pumasa, ang Proposition J ay itutuloy ang pagkasara ng John F. Kennedy Drive at ang kanyang karatig lansangan sa daloy ng trapiko maliban sa mga ilang sasakyan kagaya ng sasakyang pang-emergency at mga opisyal na sasakyan ng pamahalaan.
Itong proposition ay tinatawag ang kabaligtaran ng Proposition I.
Opisyal na Tagasuporta: Supervisor Hillary Ronen; Supervisor Rafael Mandelman; Supervisor Matt Dorsey; Supervisor Myrna Melgar; Kid Safe SF.
Opisyal na Kalaban: Disability Rights Advocate Howard Chabner; President of Self Help for the Elderly Anni Chung; Retired San Francisco Police Commander Richard Corriea; President of Sunset Heights Association of Responsible People Frank Noto; San Francisco Labor Council; Coalition for San Francisco Neighborhoods.
Proposition L: Sales Tax for Transportation Projects
Kung pumasa, ang Proposition L ay ipamamahagi nito ang 0.5% na antas ng buwis sa susunod na 30 taon, matatapos ito nang 2053. Ang pera ay mapupunta sa mga proyekto ng transportasyon kabilang ng 2022 Transportation Expenditure Plan.
Kasama sa mga proyekto ng transportasyon ang pagpapanatili at pagpapasaayos ng lansangan at pampublikong transportasyon, isang riles ng Caltrain na umaabot sa Salesforce Transit Center, pagpapagawa ng istasyon ng Caltrain sa Bayview, pagpapagawa ng daungan sa Mission Bay, at mga proyektong pang komunidad.
Ang Transportation Authority ay pwede rin mag-isyu ng mga bono na hindi lalampas sa $1.91 bilyon para pondohan ang mga tinutukoy na proyekto. Ang kanilang limitasyon sa paggastos ay pwede itaas sa susunod na apat na taon.
Ang kasalukuyang plano sa paggasta sa transportasyon at ang isinabatas na antas sa buwis ay nakatakdang matatapos nang Marso 2034.
Opisyal na Tagasuporta: Mayor London Breed; San Francisco County Transportation Authority Chair and Supervisor Rafael Mandelman; San Francisco Democratic Party; Firefighters Local 798; San Francisco Transit Riders; San Francisco Bike Coalition; Walk San Francisco; Senior and Disability Action; San Francisco Labor Council; San Francisco Building and Construction Trades Council; TWU Local 250A (Muni drivers); Sierra Club.
Opisyal na Kalaban: Larry Marso; George Wooding; Coalition for San Francisco Neighborhoods.
Proposition M: Tax on Vacant Residential Units
Kung pumasa, ang Proposition M ay magdadagdag ng buwis sa mga may-ari ng mga bakanteng tirahan, itong buwis ay maguumpisa sa Enero 1, 2024 at matatapos sa Disyembre 31, 2053. Ang buwis ay malalagay sa mga tirahan sa loob ng gusali na hindi bababa ng tatlong tirahan ang laman at naging bakante na higit sa 182 na araw. Mga pagbubukod sa buwis na ito ay ang tirahan na laan sa mga biyahero at turista, nursing homes, at pasilidad ng pangangalaga sa tirahan.
Depende sa sukat ng tirahan, ang buwis ay itatakda mula $2,500 hanggang $5,000 kada bakanteng tirahan. Ang antas ng buwis ay pwedeng umakyat hanggang $20,000 kung hahayan ng may-ari na patuloy na bakante ng dalawang magkasunod na taon ang tirahan.
Gamit ang pera mula sa buwis, ilalagay ng lungsod ang pondo sa isang Housing Activation Fund at itutungo sa dalawang programa. Ang unang programa ay popondohan ang tirahang abot-kaya. Ang susunod na programa ay bibigyan ng subsidyo ang upa para sa mga taong mahigit 60 taong gulang at mga kabahayan na mababa ang kita.
Sa kasalukuyan, ang San Francisco ay walang buwis sa mga bakanteng tirahan. Gayunman, mayroong buwis ang mga ilang bakanteng mga komersyal na espasyo tulad ng mga retail unit sa ground floor.
Opisyal na Tagasuporta: San Francisco Democratic Party; Council of Community Housing Organizations; United Educators of San Francisco; Faith in Action Bay Area; Senior and Disability Action; Affordable Housing Alliance; Community Tenants Association.
Opisyal na Kalaban: San Francisco Apartment Association.
Proposition N: Golden Gate Park Underground Parking Facility; Golden Gate Park Concourse Authority
Kung pumasa, ang Proposition N ay papayagan ang lungsod gamitin ang pampublikong pondo sa pagtayo ng paradahan sa ilalim ng Music Concourse sa loob ng Golden Gate Park.
Ang paradahan ay kasalukuyang kontrolado ng Golden Gate Park Concourse Authority at ng Recreation and Park Commission.
Inupa ng parehong grupo ang paradahan sa isang non-profit na organisasyon at ang kasalukuyang antas ng pagparada ay itinakda ng Board of Supervisors.
Opisyal na Tagasuporta: Mayor London Breed
Opisyal na Kalaban: Walang opisyal na kalaban ang Proposition N.
Proposition O: Additional Parcel Tax for City College
Kung pumasa, ang Proposition O ay magdadagdag ng buwis sa parsela para sa mga
mga may-ari ng ari-arian sa San Francisco. Ang antas ng buwis ay itatakda mula $150 hanggang $4,000 at maguumpisa mula Hulyo 1, 2023. Ang ipinapanukalang antas ng buwis ay depende sa uri ng ari-arian kasama dito ang tirahan at hindi tirahan, at depende rin sa sukat ng ari-arian.
Ang mga ari-arian na hindi kasali sa buwis ay ang mga ari-arian na mayroong may-ari na hindi bababa sa 65 taong gulang bago mag Hulyo 1 at ang mga ari-arian na hindi rin kailangan magbayad ng regular na buwis sa ari-arian, kasama dito ang mga non-profit na ari-arian.
Isang-ikaapat ng pera galing sa buwis ay mapupunta sa pagpondo ng mga serbisyo para sa pagpapatala, pangunahing pangangailangan, pagpapanatili at paglalagay sa trabaho. Yung susunod na isang-ikaapat ay popondohan ang mga programa para sa mga pangunahing kasanayan tulad ng Ingles, paggagamit ng teknolohiya, at U.S. citizenship. Yung susunod na isang-ikaapat ay popondohan ang mga workforce development programs. Ang huling isang-ikaapat ay popondohan ang mga hindi gaanong may kaya na estudyante at ang kanilang tagumpay.
Sa kasalukuyan, mayroong taunang buwis na $99 sa mga may-ari ng ari-arian sa San Francisco. Itong buwis ay nakatakdang matapos sa dulo ng Hunyo 2032. Itong buwis ay pinopondohan ang mga guro, aklatan, at tagapayo.
Opisyal sa Tagasuporta: City Council Faculty (AFT 2121); City Council Staff (SEIU 1021); Board President and Supervisor Shamann Walton; San Francisco Democratic Party; United Educators of San Francisco; San Francisco Latinx Democratic Club; Coleman Advocates for Children & Youth.
Opisyal na Kalaban: San Francisco Apartment Association.
Ang mga rehistradong botante ay pwedeng sumali sa halalan. Ang huling araw ng pagrehistro ay nakalipas na, pero ang mga eligible na botante ay pwede pa rin magrehistro sa pamamagitan ng pagdaan sa proseso ng Same Day Voter Registration.
Para makaboto bago ang araw ng halalan, ang City Hall Voting Center ay mananatiling bukas mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 6, mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Sa araw ng halalan, ang mga sentro ng pagboto ay mananatiling bukas mula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi para sa personal na pagboto, kasama na rin ang mail-in voting at ang paghulog ng mga balota.
Para makasama ang mga mail-in na balota sa pagbilang, dapat naka-postmark ang mga balota bago mag-Nobyembre 8.
Para makahanap ng sentro ng pagboto na sapat sa pangangailangan mo, pindutin ito.