Ang Xpress 2020 Gabay Sa Botohan sa Panukalang Balota
Oct 14, 2020
Ang mga Californians ay may pagkakataong bumoto sa 12 panukalang-batas ukol sa balota sa buong estado ngayong Nobyembre. Ang iba sa mga ito ay tungkol sa mga matagal nang pinagtatalunang mga paksa, katulad ng affirmative action at rent control. Upang ang mga panukalang ito ay umabot sa balota ngayong taon, ang mga voter signature-based na panukala ay kinakailangan ng 623,212 boto para sa kusang kautusan at 997,139 para sa kusang pag amyenda sa konstitusyon. May walong panukalang itinutulak sa Voter signatures, habang ang California State Legislature ay gustong i-modify ang California Constitution gamit ang natitirang apat na panukala.
Ang gabay na ito ay nilikha para linawin kung ano ang ibig sabihin ng mga panukala at kung sino ang sumusuporta at sumasalungat.
Proposisyon 14, Ang Stem Cell Research Institute Bond Initiative:
Kung papasa, ang panukalang ito ay maglalaan ng $5.5 billion para sa California Institute for Regenerative Medicine sa pamamagitan ng general obligation bonds, mga bonds na suportado ng estado sa kakayahang buwisan ang mga residente para ipangbayad sa mga bondholders.
Ang Bonds na ito ay aabot ng $7.8 billions sa ipinalalagay na inaasahang $2.3 billion na tubo o interest at ito ay manggagaling sa tinatantyang taunang bayarin na $310 million sa loob ng 25 taon. Ang pangkalahatang ito o ang total ay maaring mabago o maiba ayon sa pangkasalukuyang tubo na kung kailan ang bonds ay binayaran.
Nalikha ang CIRM pagkatapos maipasa ang Panukalang 71 noong 2004, na nagbigay ng $3 billion sa Institusyon. Sa kabuuang pondong ito, mayroon pang natitirang $132 million sa ngayong buwan ng Oktubre 2019. Natigil ang aplikasyon para sa proyekto ng CIRM noong Hulyo ng nakaraang taon dahil sa kakulangan ng pondo. Ang CIRM ay maaaring mawala sa katapusan ng taong 2023 kung walang karagdagang pondong ibibigay para dito.
Ang Proposisyon 14 ay magpapakita kung paano gastusin ang pondo ng CIRM. Ang pondo ay gagamitin lamang para sa pananaliksik ng tungkol sa stem cell at gastusin sa pasilidad para masimulan ito, na may nakalaang 7.5% na gagastusin para sa operasyon nito. Maglalaan din ng $1.5 billion para sa neurological disorder therapies at treatment methods; 1.5% din ang ilalaan para sa human clinical trials, treatments at cure facilities; at 0.5% naman sa mga pasilidad na pinopondohan ng estado sa ilalim ng Shared Labs Program.
Kung ang Proposisyon na ito ay maipasa, mababago rin ang pamamalakad ng CIRM. Ang bilang ng mga miyembro na namamahala ng CIRM sa ilalim ng Independent Citizens’ Oversight Committee ay magiging 35 mula sa ngayong 29 na miyembro. Magdaragdag din ng pang apat na advising group sa ICOC na nakalaan lamang sa paggagamot at pagpapagaling, sa kasalukuyang mga grupo sa medical research funding, research standards and facilities grants. Ang CIRM ay maglalagay rin ng hangganan para sa mga regular na empleyado at programang pagsasanay o training programs para sa mga undergraduate at graduate na estudyante na interesado sa pananaliksik tungkol sa stem cell.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 14: UC Board of Regents
Mga kumakalaban sa Proposisyon 14: Center for Genetics and Society
Proposisyon 15, Bono sa mga Ari-Ariang Pang Komersyal at Industriyal para sa Edukasyon at lokal na Gobyerno na Pondong Inisyatiba
Kung ang Proposisyon 15 ay papasa, lahat ng ari-ariang pang komersyal at industriyal ay bubuwisan maliban sa mga agrikulturang komersyal batay sa kasalukuyang halaga sa pamilihan at hindi sa inisyal na presyo ng pagkakabili rito. Ang pagbabagong ito ay magsisimula sa taong 2022-2023.
Ang mga ari-arian ay kasalukuyang binubuwisan batay sa pagkakabili dito at ito ay tumataas ng 2% kada taon o tumataas katumbas ng rate of inflation – kung alin ang mas mababa.
Ang mga ari-ariang residensyal at agrikultural at mga nagmamay-ari ng mga ari-ariang komersyal at industrial na may pinagsamang halagang $3 million o mas mababa ay hindi saklaw sa Proposisyon 15.
Ang naipon na pera galing sa proposisyon 15 ay unang mapupunta sa implementasyon ng mga gastusin ng county at pupunta sa estado para matugunan ang pagbabawas ng kita dahil sa tumaas na bawas sa buwis. Ang natitirang kita ay hahatiin, sa halip na mapupunta sa General Fund– 60% ay pupunta sa pamahalaang lokal at sa mga espesyal na distrito at ang natitirang 40% ay pupunta sa mga distrito ng eskwelahan at kolehiyong komunidad sa bagong Local School and Community College Property Tax Fund.
Ang karagdagang paghahati-hati ng pera tungo sa edukasyon ay ganito: 89% para sa eskwelahang pangpubliko at sa mga charter schools at mga opisinang edukasyonal sa isang county; 11% para sa kolehiyong komunidad; at may dagdag na hindi bababa ng $100 para sa lahat ng eskwelahan per full time student (adjusted annually).
Mga sumusuporta sa Proposisyon 15: Democratic Party VP nominee Kamala Harris; Sen. Bernie Sanders; California State Sen. Scott Wiener; San Francisco Mayor London Breed; Oakland Mayor Libby Schaaf; at Los Angeles Mayor Eric Garcetti. Los Angeles at San Francisco school districts.
Mga kumakalaban sa Proposisyon 15: California Black Chamber of Commerce; California Small Business Association; California NAACP State Conference; California Hispanic Chambers of Commerce
Proposisyon 16, Ipawalang Bisa ang Proposisyon 209 Affirmative Action Amendment
Kung papasa, ang Proposisyon 16 ay magpapawalang-bisa sa Proposisyon 209 na ipinanukala noong 1996, na kung saan nagbigay daan sa mga pang publikong trabaho, edukasyon at pagkontrata na ginagawang batayan ang lahi, kasarian, kulay, etnisidad at pambansang lahi kapag pumipili ng mga aplikante para sa trabaho at pagtanggap sa mga public schools.
Upang malinawan, ang Affirmative Action sa porma ng racial quotas, ay itinuring na hindi naaayon sa konstitusyon noong 1978, sa ilalim ng kaso ng kataaas-taasang korte ng Regents of the University of California v. Bakke. Sinabi rin ng Korte Suprema na anumang anyo ng affirmative action ay dapat suriing mabuti.
Ang kahilingan para sa affirmative action ay lumago mula sa pagnanais ng mga sumusuporta para sa more diverse college campuses. Pagkatapos maipatupad ang Proposisyon 209 noong 1998, ang California State University nakapagtala ng pagbaba ng two-thirds sa minority enrollment sa buong estado at ang University of California ay nasaksihan ang pagbaba ng underrepresented groups — Black, Latino, Pacific Islander at American Indian — mula sa 20% noong 1995 sa 15%.
Ang mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 16 ay nagsasabi na ito ay magkakaroon ng diskriminasyon sa mga karapat-dapat na mga estudyante at aplikante dahil sila ay dinidisisyunan batay sa kanilang lahi o ninuno kaysa sa merito. Nabanggit ng dating California 12th Congressional District Rep. Tom Campbell na ang mga Asian-American ay bumubuo ng 15.3% ng populasyon sa California, pero 39.72% ang mga nagpatala sa UC. Idinagdag pa niya na ang proposisyon na ito ay gagawa ng tensyon sa pagitan ng Asian-American, Black at Latino communities, dahil “ang politika ay hindi maiiwasang problemang lahi.”
Mga sumusuporta sa Proposisyon 16: Democratic Party VP nominee Kamala Harris; UC Board of Regents; CSU Chancellor Timothy P. White; at ang Asian Pacific Islander Legislative Caucus.
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 16: San Diego Asian Americans for Equality; Asian American Coalition for Education; at the Pacific Legal Foundation
Proposisyon 17, Pagbabalik ng Karapatang Bumoto Pagkatapos Makumpleto ang Sentensya sa Pagkabilanggo
Kung papasa, ang Proposisyon 17 ay magbabalik sa 57,000 Californians ng karapatang bumoto sa parole para sa mga felony convictions.
Sa kasalukuyan, ang mga nasa parole dahil sa felonies ay hindi pinapayagang bumoto hanggang makumpleto nila ang kanilang parole. Kung papasa, ang California ay magiging ika-20th state na papayagan ang mga parolees para bumoto. Sa ngayon, ang California ay isa sa tatlong estado na nangangailangang makumpleto ang parole upang maibalik ang karapatan nilang bumoto. Sa California, ang mga nakabilanggo sa estado at pederal na mga kulungan, mga bilanggo na may mga felony sentence sa mga estadong kulungan, mga naghihintay ng paglipat dahil sa felony convictions o ang mga bilanggo na lumabag sa kanilang parole, ay hindi pinapayagang makaboto.
Ang Proposisyon 17 ay bibigyan din ng pansin ang mga nakakulong na Blacks at Latinos. Ayon sa pag-aaral na ginawa noong 2016 ng Public Policy Institute of California, ang mga African-Amerticans na bumubuo ng 6% ng mga may edad ng populasyon sa estado, 26% sa mga ito ay nabigyan ng parole. Sa mga Latinos na bumubuo ng 35% sa may edad na populasyon ay nakapagtala ng 40% sa mga ito na nabigyan ng parole. Ang mga White naman na may 26% sa may edad na populasyon ay nagkaroon ng 7% na nabigyan ng parole.
Ang mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 17 ay nagsasabing ang karapatang bumoto ay hindi dapat maibalik hanggat hindi pa nakukumpleto ng mga nahatulang bilanggo ang kanilang mga sintensiya.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 17 ay binubuo ng: Democratic Party VP nominee Kamala Harris, State Senator Scott Wiener, ACLU of California; and League of Women Voters of California
Hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 17: The Election Integrity Project California
Proposisyon 18, Pagbabago ng Primary Voting para sa mga 17-Taong-Gulang
Kung ang Proposisyon 18 ay papasa, papayagang bumoto ang mga kabataang may edad na 17 sa primary election kung ang mga ito ay magiging 18 taong gulang bago magkaroon ng general election.
Kung ang Proposisyon 18 ay maisasakatuparan, ang California ang magiging ika-19 na estado, kasabay ng Washington DC, na pinapayagang bumoto sa sa primary election ang mga kabataang may edad na 17 ayon sa panukala.
Bagama’t wala pang eksaktong bilang ng mga kabataang may edad na 17 na mabibigyan ng karapatang bumoto, ang Lucile Packard Foundation for Children’s Health ay tinatayang lampas sa 2 million na kabataan sa Estado ng California ay nasa pagitang edad na 14 at 17.
Ang panukalang ito ay nauna ng iharap ng South San Francisco Assemblyman Gene Mullin noong taong 2004. Noong nakaraang taon, ang kanyang anak na si San Mateo Assemblyman Kevin Mullin ay muling iniharap ang panukalang ito. Ito ang kanyang ikaanim na pagtatangka, at ito ang unang pagkakataon na ang panukala ay umabot sa Kamara. Ito ay pumasa sa bipartisan vote na 29-2, na kung saan may 2 Republican na Senador na sumang-ayon at bumoto para sa panukalang ito.
Ang California Association of Student Councils ay nagsasabi na ang Proposisyon na ito ay siyang magtatama sa mga “kawalan” na kinakaharap ng mga kabataang ito, na kung saan sila ay hindi pinapayagang magkaroon ng pagkakataong mailahad ang kanilang nais na maisama sa general election ballot. “Dahil sa kawalan ng pagkakataong sumali sa proseso ng eleksyon, hindi nila maipahayag ang kanilang makabuluhang pagboto sa general election,” ayon sa binasang pahayag ng Asosasyon.
Ang Election Integrity Project California, Inc. ay nagsabi na dahil sa ang mga 17 gulang na kabataan ay kinokonsidera pa ring menor de edad, malaki pa rin ang impluwensiya ng kanilang mga magulang o ng mga mas nakatataas sa kanila. “Dahilan ito upang hindi nila maipapahayag ang kanilang sariling pag-iisip o kagustuhan kung sila ay papayagang bumoto,” ayon sa Grupong ito.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 18: The California Association of Student Councils
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 18: The Election Integrity Project California
Proposisyon 19, Property Tax Transfers, Exemptions, at Revenue para sa Wildfire Agencies at Counties Amendment
Kung papasa, papayagan ng Proposisyon 19 ang mga karapat-dapat na nagmamay-ari ng bahay na ilipat ang kanilang property tax sa mas mamahaling bahay saan man sa estado na may inayos na tax rate, sa halip na bagong rate. Maproprotektahan nito ang mga may-ari ng bahay sa pagbabayad ng karagdagang buwis para sa ari-arian na mas nababagay sa kanilang pangangailangan. Ang mga matatandang nagmamay-ari ng bahay at ang may mga kapansanan ay mayroong tatlong pagkakataong makalipat sa kanilang bagong bahay kaysa sa isang beses lamang. Ang mga biktima ng natural na sakuna o disaster ay hindi papayagang lumipat ng higit pa sa isang beses.
Sa kasalukuyan, ang mga may-ari ng bahay na may kapansanan at may edad na higit sa 55 taon o mga biktima ng natural na sakuna o disaster ay pwedeng ilipat ang kanilang property tax rates mula sa kanilang orihinal na property kung sila ay lumipat sa bagong bahay na may parehas o mas mababang halaga sa loob ng parehong county. Upang ang pagbabagong ito ay maisakatuparan, ang paglipat sa bagong bahay ay nararapat na maging pangunahing tirahan at magagamit lamang sa unang $1 milyon sa pagitan ng orihinal na presyo ng pagbili at sa halaga ng merkado.
Ang mga mina-nang ari-arian, tulad ng mga bahay bakasyunan, ay dapat ding sumunod sa buwis ayon sa makabagong halaga ng merkado at kung ang halaga ng presyo ng pagbili ay hihigit sa $1 milyon. Anumang karagdagang kita sa buwis ay mapupunta sa California Fire Response Fund at County Revenue Protection Fund at ito ay mapupunta sa pondo para sa mga tauhan ng pagpigil sa sunog at sa mga full-time station personnel.
Dahil sa mungkahi ng Proposisyon na taasan ang buwis sa mga minanang ari-arian, ito ay magbibigay ng sampu sampung milyong dolyar sa antas ng lokal at estado ayon sa pahayag ng pananalapi o fiscal statement, kasama ang pagpopondo sa protekson ng eskwelahan at sunog.
Ang mga nagtaguyod nito ang nagsabi na hindi lamang ito makakatulong sa mga biktima ng natural na sakuna o disaster upang madaling makakita ng bahay sa mas mamahaling merkado, ito rin ay magbubukas ng mas maraming bahay pang pamilya sa dahilang ang mga matatandang may ari ay lumipat sa mas maliit na ari-arian. Ito rin daw ay isasara ang loophole na nagpapahintulot sa mga mayayaman na hindi nakatira sa California iwasang magbayad ng isang “patas na bahagi ng mga buwis sa pag-aari sa mga bahay bakasyunan, mga pag-aari ng kita, at mga upahan sa dalampasigan na pagmamay-ari nila sa California.”
Ang mga hindi sumasang-ayon ay nagsabing ito ay binagong bersyon lamang ng dating bersyon ng nabigong proposisyon na maraming bumoto laban dito.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 19: California Professional Firefighters Union; Californians for Disability Rights; California Senior Advocates League
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 19: Howard Jarvis Taxpayers Association
Proposisyon 20, Criminal Sentencing, Parole at DNA Collection Initiative
Kung papasa, ang Proposisyon 20 ay magkakaroon ng karagdagang paghihigpit sa pagiging karapatdapat na mabigyan ng parole para sa mga nakakulong na nahatulan dahil sa mga hindi mararahas na krimen. Upang mabigyan ng parole, ang parole review board ay kailangang ikonsidera ang mga karagdagang kadahilanan tulad ng relasyon nila sa kanilang pamilya, edad, kabutihan ng pag-iisip, at ang pag-uugali tungkol sa krimen kasama na ang naging kondisyon sa krimen.
Ang Proposiyon na ito ay pagbubukud-bukurin ang mga 51 na pagkakasala bilang marahas na krimen o mga pagkakasala na hindi karapat-dapat na mabigyan ng parole. Ang mga krimen tulad ng pagnanakaw ng baril, pandaraya ng credit card at mga organisadong krimen ay tinutukoy bilang “wobblers” — mga krimen na maaring ihabla bilang isang misdemeanor o felony batay sa mga pangyayari. Ang mga partikular na wobblers o felonies — pagnanakaw sa tindahan, prostitusyon sa mga menor de edad, pagdadala ng droga — ay mangangailangang magbigay ang mga nagkasala ng DNA sample para sa state database.
Tinantiya ng Legislative Analyst and Director of Finance na ang Proposisyon na ito ay magkakahalaga sa estado at local correctional facitilies ng sampu-sampung milyong dolyar dahil sa lalong malaking multa para sa mga pagnanakaw. Maari ring magastusan ng ilang milyong dolyar kada taon ang estado at local courts dahil sa mas mahigpit na kwalipikasyon sa probasyon at pagkaso ng felony.
Sa ngayon, ang estado ay mayroong listahan ng mga krimen na pinayagang mabigyan ng mas maikling sentensiya sa ilalim ng Proposisyon 57 ng 2016, isang pagsisikap na hikayatin ang mga nakakulong na lumahok sa mga programang rehabilitasyon. Kabilang sa mga krimen sa listahan ay: pang-aabuso ng asawa; human trafficking ng mga bata; at panggagahasa.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 20: Orange County Board of Supervisors; Los Angeles Police Protective League; and Peace Officers Research Association of California.
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 20: dating Gov. Jerry Brown; ACLU of Northern California; at SEIU California State Council.
Proposisyon 21, Inisyatiba ng Kontrol sa Upa
Kung papasa, ang Proposisyon 21 ay papayagan ang mga pamahalaang lokal na gumawa ng rent control para sa mga bahay na higit na sa 15 taong gulang na pag-aari ng mga landlords na may higit sa dalawang ari-arian. Ito ay nagbabago sa Proposisyon 10 na tinanggihan noong taong 2018.
Ang Proposisyon 21 ay papayagan din ang mga pag-aari sa ilalim ng rent control na magtaas ng buwanang renta ng “hanggang 15% mahigit sa tatlong taon mula sa nakaraang renta higit sa anumang pagtaas na pinapayagan sa local ordinance,” ayon sa buod ng Proposisyon sa balota. Ang Proposisyon na ito ay papalitan ang kasalukuyang batas sa local rent control.
Sa palagay ng Legislative Analyst and Director of Finance, ang Proposisyon na ito ay maaaring mabawasan ang kikitain ng lokal at ng estado ng sampu-sampung milyon dolyar kada taon, batay sa gagawin ng pamahalaang lokal.
Ang rent control sa California ay isang malawak na pinagtatalunang paksa — 56 sa 58 California counties ay hindi sumasang-ayon sa rent control noon 2018. Subalit, ibinunyag ng 2018 polling na karamihan ng Californians ay pabor sa rent control, pero tinanggihan ang mga detalye ng dating Proposisyon.
Ang mga sumasang-ayon ay naniniwala na poprotektahan ng rent control ang lower income at middle class na mamamayan na mapaalis sa kanilang tinitirhan, lalo na sa mga lungsod na may limitadong tirahan dahil sa mataas na populasyon, kagaya ng San Francisco.
Ang mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon ay sinasabi na ito ay magbibigay pangamba sa mga private sector na magtayo ng mga murang pabahay sa merkado. Maluwag na regulasyon sa permitting processes at zoning ay maari itong gawing posible.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 21: Sen. Bernie Sanders; Rep. Barbara Lee; Rep. Maxine Waters; the AIDS Healthcare Foundation; Urban League of Los Angeles; at the Eviction Defense Network
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 21: President Sid Larkey of the California Rental Housing Association; Californians for Responsible Housing; State Building and Construction Trades Council of California; and the California NAACP State Conference
Proposisyon 22, App-Based Drivers as Contractors at Labor Policies Initiative
Kung papasa, ang Proposisyon 22 ay tutukuyin ang rideshare at delivery drivers bilang mga independyenteng kontratista. Sa halip na sundin ang mga benepisyong state-wide at ang kasamang proteksyon ng mga empleyado, ang mga kumpanyang ito ay kinakailangang magkaroon ng mga alternatibong benepisyo na makakatugon sa mga detalye ng kanilang mga manggagawa, kasama na nang “pinakamababang kabayaran at mga subsidyo sa healthcare batay sa nakatuon na oras ng pagmamaneho, seguro sa sasakyan, pagsasanay sa kaligtasan at mga patakaran sa panliligalig sekswal,” ayon sa buod ng estado tungkol sa proposisyon.
Ang Proposisyon na ito ay magpapawalang bisa sa California Assembly Bill 5 tungkol sa mga app-based drivers. Ito ay isang tugon sa kaso ng Korte Suprema ng 2018 Dynamex Operations West, Inc v. Superior Court, na pinag-uri ang karamihan sa mga manggagawa sa estado bilang empleyado sa halip na independyenteng kontratista, kung ang employer ay hindi kayang patunayan ang bawat bahagi ng three part test.
Sa ilalim ng AB 5, kung ang employer ay nabigong patunayan ang tatlong sangkap ng pagsusuri, ang empleyado ay may karapatan magkaroon ng minimum wage, health insurance at sick leave. Sa ilalim ng Proposisyon 22, ang mga employers ay kailangan uriin ang mga app-based drivers bilang mga independiyenteng kontratista maliban kung ang kumpanya ay magtatakda ng mga oras ng pagmamaneho, humingi ng pagtanggap ng partikular na sakay o hatid, o ipinagbabawal magtrabaho sa iba pang mga kumpanya.
App-based delivery services at ride-share programs kagaya ng Uber, Lyft at Doordash ay humihingi ng eksepsiyon, dahil ang kanilang istruktura ng negosyo ay nakasalalay sa digitally based gig-workers na may kalayaang magtrabaho ng ayon sa kanilang kagustuhan.
Ang proposisyon na ito ay magtataas ng kaunti ang state personal income tax revenue, ayon sa ulat ng Legislative Analyst. Kung ang mga kumpanyang ito ay hindi na kailangan magbayad para sa mga benepisyo ng empleyado ng estado, bababa ang delivery at rideshare rates. Pag mas mababa and rates, mas maraming parokyano, at mas malaking kita para sa mga drivers.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 22: California NAACP State Conference; California Black Chamber of Commerce; California Hispanic Chambers of Commerce; CalAsian Chamber of Commerce; and the California Small Business Association
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 22: Democratic Party nominee Joe Biden; Democratic Party VP nominee Kamala Harris; Sen. Elizabeth Warren; California Labor Federation; and California State Council of Laborers
Proposisyon 23, Dialysis Clinic Requirements Initiative
Kung papasa, ang Proposisyon 23 ay mag-aatas na magkaroon ng doktor sa mga Chronic Dialysis Clinics anumang oras ng kanilang operasyon, bagaman at isang nurse practitioner o physician’s assistant ay sapat na kung napatunayan na may kakulangan ng mga doktor sa lugar.
Bilang karagdagan, ang mga klinika ay dapat: i-ulat ang mga impeksyong konektado sa dialysis sa California Department of Public Health at National Healthcare Safety Networks kada tatlong buwan o magmumulta na aabot ng $100,000; humingi ng pahintulot sa estado bago baguhin ang mga oras ng klinika; makatanggap ng pahintulot mula sa punong opisyal ng klinika sa ilalim ng parusa ng perjury; at paglingkuran ang bawat pasyente anuman ang kanilang pagkukunan ng pang bayad para sa pangangalaga.
Sa California, mayroong humigit-kumulang 600 centers na nangangalaga sa halos 80,000 na mga pasyente bawat buwan, ayon sa Legislative Analyst’s Office. Nalaman din ng tanggapan na humigi-kumulang 75% ng mga sentro na ito ay pagmamay-ari ng dalawang for-profit, pribadong mga kumpanya: Davita, Inc. at Fresenius Medical Care.
Ang Proposisyon 23 ay binuo ayon sa Proposisyon 8 noong 2018. Ang Proposisyon na tinanggihan ng 2.4 milyong boto, ay inilaan upang mapalaki ang kita ng mga centers. Ayon sa Calmatters, isang nonpartisan media organization na sumasaklaw sa patakaran ng California, ang laban para sa proposisyon na ito ay ang pinakamahal na kampanyang balota kung saan ang Davita, Inc. at Fresenius Medical Care ay gumastos ng $111 milyon upang hamunin ang Service Employees International Union-United Healthcare Workers union noong 2018.
Ang Proposisyon na ito ay malamang na tumaas ang mga gastusin ng pang-estado at lokal na gobyerno ng sampu-sampung milyong dolyar, pati ang gastos ng serbisyong dialysis dahil sa pangangailangan ng mga tauhan, ayon sa Legislative Analyst’s Office.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 23: California Democratic Party; California Labor Federation
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 23: California Medical Association; Dialysis Patient Citizens; California NAACP State Conference.
Proposisyon 24, Mga Batas sa Pribadong Impormasyon ng Mamimili at Agency Initiative
Kung papasa, ang Proposisyon 24 ay lalawak sa ilalim ng California Consumer Privacy Act ng 2018, at ito ay lilikha ng bagong ahensya ng gobyerno — ang Privacy Protection Agency, na idnisenyo upang makontrol ang data privacy. Papayagan din ang mga mamimili na baguhin ang maling impormasyon, pagbawalan ang pagbabahagi ng data sa iba at protektahan ang “sensistibong personal na impormasyon.” Ang parusa sa paglabag ay triple para sa mga data violations ng mga menor de edad 16 at mas mababa.
Ang California Consumer Privacy Act ay una ng nabigyan ang mga mamimili sa California na sabihin kung gaano kalaki at anong impormasyon lamang ang maaaring kolektahin ng mga nagnenegosyo. Simula noon ay kailangang ipaalam ng mga nagnenegosyo sa mga mamimili kung paano ginagamit at itinatago ang mga personal data, payagan ang mga mamimili na magtanggal ng impormasyon, hindi sumang-ayon sa pagbenta ng kanilang data at hindi pwedeng tanggihan ang mga parokyano na gawin ito. Ang Proposition 24 ay naghahangad na lalong palawigin ang mga hakbang ukol sa privacy.
Sinasabi ng mga samahan kagaya ng Common Sense at Consumer Watchdog na ang Proposisyon na ito ay magiging halimbawa ang California tungkol sa privacy protection laws, lalo na sa kadahilanang maraming malalaking tech companies ang nasa California.
“Lalo na sa post-COVID, ang mamamayan ay magiging mas sensitibo sa kanilang alalahanin sa privacy,” ayon sa San Francisco-based real estate developer at pinuno ng Californians para sa Consumer Privacy na si Alastair Mactaggar noong Hunyo. Si Mactaggar ay nanguna rin sa pagtulak ng 2018 privacy act.
Sinasabi ng mga hindi sumasang-ayon na wala pang sapat na panahon para malaman kung gaano kabisa ang privacy act dahil ito ay naging epektibo lamang noong Hulyo.
“Nangangamba kami na mabalewala ng Proposisyon 24 ang mga umiiral na regulasyong pang pribado na maging pabigat ito sa mga mamimili na pagbawalan ang mga Big Tech Companies na ibenta ang kanilang kumpidensyal na data,” ayon sa pahayag ni Linda Sherry, Director ng National Priorities sa Consumer Action.
Mga sumusuporta sa Proposisyon 24: Common Sense; Consumer Watchdog
Mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 24L ACLU of California; Council on Islamic American Relations – California; Consumer Federation of California; Media Alliance
Proposisyon 25, Replace Cash Bail with Risk Assessments Referendum
Kung papasa, ang Proposisyon 25 ay papalitan ang kasalukuyang sistema ng piyansa para sa mga hinihinalang kriminal na nakakulong na may risk assessment upang matukoy ang mga kondisyon ng potensyal pre-trial release.
Sa ngayon, ang mga hinihinalang kriminal ay pinapayagang makalaya bago makarating sa hukuman kung ang piyansa ay nai-post at nangakong babalik sa korte para sa kanilang paglilitis at pagdinig. Ang piyansa, na kung saan ito ay ibinabalik sa hinihinalang kriminal at hindi alintana kung ano man ang kalalabasan ng paglilitis, ay pwedeng i-post gamit ang personal na pananalapi o komersyal na mga ahente ng bail bond na sumisingil ng karampatang halaga na hindi maibabalik. Walang limitasyon kung magkano o gaano kalaki ang halaga na sinisingil ng mga ahente ng bail bond ngunit ang average na singil ay 10% ayon sa California Department of Insurance
Kung ang Proposisyon 25 ay papasa, ang California ang magiging kauna unahang estado na magtapos ng cash bail, na papalitan ng pagtatasa o assessment gamit ang “mga pamamaraan na nagpakita ng siyentipikong pananaliksik na tumpak at maaasahan,” ayon sa panukala. Sa pagtatasa o assessment, ang mga hinihinalang kriminal ay ikakategorya sa isa sa tatlong kategorya: mababa, katamtaman at napakadelikado. Ang mga hinihinalang kriminal na makategorya na napakadelikado ay hindi papayagang makalaya bago pa man silang iharap sa hukuman, ang mababang kategorya ay papayagang makalaya batay sa pangyayari at ang katamtamang kategorya ay papayagang makipagtalo sa hukom sa pagtatasa o assessment.
Ang mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon ay nagsabi na ang assessment tools ay may peligrong may kaakibat na racial bias. “Bagama’t lahat tayo ay sumasang-ayon na ang bail reform ay kailangan, ang magastos at madaliang planong ito ay gagamit ng racially-biased computer algorithms upang magdesisyon kung sino ang mananatili sa bilangguan o sino ang makakalaya, at iyon ay hindi tama,” ayon kay Jeff Clayton na tagapagsalita ng Californians Against the Reckless Bail Scheme.
Ang mga sumusuporta sa Proposition 25: Rep. Karen Bass; state Sen. Scott Wiener; California Democratic Party; California Teachers Association; League of Women Voters of California; at ang California Medical Association
Ang mga hindi sumasang-ayon sa Proposisyon 25: California NAACP State Conference; California Hispanic Chambers of Commerce; Crime Victims United of California; California Black Chamber of Commerce; California Asian Pacific Chamber of Commerce; at ang California Small Business Association